Poem Making Contest Theme: You and You Tube (Filipino Category)


Ang Kadikit

Kahapon lang kay lungkot
Umuulan sobrang bagot
Di makapag vlog, walang magagawa
Di maka usad, pero di magsasawa

Paggising ko ngayong umaga
Tila ba kay sigla
Unang naisip may pag asa ako
Makakuha ng magandang tiyempo

Dali-daling nag ayos ng mukha
Nagbihis para magmukhang maganda
Huminga ng ubod ng lalim
Nagsalita kahit pa makulimlim

Noong matapos ay ang laki ng ngiti
Hindi na kailangan pang may bahid ng hikbi
Ako at ang Youtube ay sobrang dikit
Tuluy-tuloy ang laban kahit ano pa ang sinapit

Walang susuko yan ang aking sinumpaan
Kahit ano pa, magpahinga man
Parati ang Youtube ay kasa-kasama ko
Kahit pa mamuti na sa susunod ang buhok ko.